Di ko alam kung ano i-title sa post na ‘to…

August 13, 2007 at 10:46 am | Posted in All, Australia, Blogging, Pensiveness/Rants, Tagalog | 2 Comments

Magtatagalog muna ako. May hang-over pa ako dun sa kwentuhan naming magkakaibigan nung weekend.

Ang bilis ng panahon. Aba, tatlong linggo na pala mula nang huli akong mag post ng entry dito. Di ko na namalayan takbo ng mga araw.

May dumating akong kaibigan mula sa Pinas na pinadala ng employer nya dito for a two-week training. Ayun, dahil first time nyang makarating ng Australia, we played host to her. After office hours, lumalabas kami at nililibot namin sya. On weekends naman, shopping kami for souvenirs. Natuwa ako sa kanya. Kasi mura daw mga bilihin. Ayun, namili ng namili. Ang nangyari, nag excess baggage sya ng mga 20 kilos. Pinagbabayad sya ng AU$500.00. Buti na lang malapit lang sina Janine sa airport. Ayun, iniwan na lang sa luggage storage at pinik-up nila later.

Nakakapagod pala. Di ko rin nagagawa yung weekend sleep-ins ko. Nauuna pa akong gumising sa sirena ng footy sa labas.

After that, birthday ko naman. On the day itself, nag dinner kami sa TGIF sa South Yarra with old time friends and nanood ng Die Hard 4.0. Enjoy naman. Niloloko ko nga si Shane. South Yarra kasi is where we started. When I used to come here on business trips, sa South Yarra ang serviced apartment na tinitirhan ko everytime. Sya naman, tumira din dito with a girlfriend. Sabi ko nga, too many memories and they’re all coming back to me. πŸ™‚

Yung movie, may mga funny lines, especially sa dialogs ni Bruce Willis. Nung nagsimula ang action, tuloy-tuloy na hanggang sa end ng movie. Ok sya dahil hindi ako na-bore. πŸ˜‰

On the weekend of my birthday, me mga friends din akong pumunta sa bahay. Luto ako Pinoy food. Sinigang. Ginataang kalabasa. Lumpiang Shanghai. Pansit sotanghon. At me extrang baked honey soy chicken. Yun kasing asawa ng isang Pinay, e puti, kaya kelangan ng konting pagkain na pwede nyang kainin. Ayaw kasi ng mga puti ng sinigang. Maasim daw at di nila maintindihan ang lasa. Me nagdala ng cake, kya nakalibre si Shane. Di na nya ako kelangang ibili ng cake. πŸ™‚ Kandila na lang. Sabi pa dun sa card na bigay nya, kelangan ko daw TLC for my birthday. Ten Less Candles! Pero yung binili nyang candles, sandosena. Kaya effectively, binigyan nya ako ng Twenty-six Less Candles! Ay, tanda ko na ano?

I hope nabusog at nag enjoy naman sa pagkain ang mga bisita ko. Ako, napagod pero enjoy din naman.

* * * * * * * * * * * *

Brushing up on Filipino vocabulary

May 11, 2007 at 2:23 pm | Posted in All, Filipino, Philippines, Something Funny, Tagalog | Leave a comment

I received this in an email from a friend and a former colleague in the Philippines. This is meant to be funny.

“Nararapat lamang na maglaan tayo ng ilang saglit upang muling sariwain ang
mga salitang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno! BAKA MALIMUTAN NINYO
ANG SARILING WIKA…”

  1. Abuloy — bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
  2. Akala —- alam na alam daw.
  3. Aginaldo – inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.
  4. Ama —— pamilyadong gustong maging binata
  5. Bakasyon – sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
  6. Bakit —- tanong na laging mahirap masagot.
  7. Bakya —- tsinelas na may takong. Baga —– lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
  8. Bagoong — masarap na ulam ng mga walang maiulam.
  9. Baldado — hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
  10. Bale —– suweldong inutang.
  11. Binata —— lalaking gustong maging ama
  12. Biyenan —— anay ng tahanan
  13. Kaaway — ikli ng ‘kaibigan na Inayawan
  14. Kababata – dating gelpren na may ibang boypren
  15. Kabag —- dighay at utot na naghalo sa tiyan
  16. Kabayo — hayop na sinasakyan Ng kalesa
  17. Kabit —— asawang nakatira sa iba
  18. Kalbo —- gupit ng buhok na korteng itlog
  19. Dalaga ——— babaeng gustong maging ina
  20. Dalaginding – dalagang hindi pa nagsusuot ng bra
  21. Dighay ——- Utot na lumabas sa bunganga
  22. Dilim —- liwanag na maitim
  23. Ginang — asawa ni ginoo na mukha nang tsimay
  24. Ginoo —- asawa ni ginang na may asawang iba
  25. Gipit —- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan
  26. Ha ——- sagot ng nagbibingi-bingihan
  27. Halakhak – tawang bukang-buka ang ngala-ngala
  28. Handaan — magdamagan na Palakihan ng tiyan
  29. Handog — bigay na laging may kapalit
  30. Hipo —– haplos na may malisya
  31. Hudas —- tapat na manloloko
  32. Ibon —– hayop na lumalangoy sa Hangin
  33. Imposible – pagtaas ng unano
  34. Ina ——– pamilyadang gustong maging dalaga
  35. Insulto — walang hiyang biro
  36. Isda —— hayop na hindi nalulunod
  37. Itlog ——- pagkaing amoy uto
  38. Ita ——- negrong Pinoy
  39. La ——– ikli ng ‘lalalalala’ sa kinakantang hindi maalala
  40. Lalawigan – syudad ng kahirapan
  41. Langaw —- kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura
  42. Ma ——– tawag sa gelpren na mukhang nanay na
  43. Malusog — hitsura ng tumatabang balat
  44. Mama —— tawag sa sosyal na ina
  45. Mano —— kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo…. at bulsa
  46. Mantika — katas ng piniritong taba
  47. Mayabang ——– abusadong tanga
  48. Maybahay — dominanteng utusan sa bahay
  49. Nanay —- Ilaw ng tahana
  50. Nakaw —– hiram ng walang paala
  51. Naku —— ikli ng ‘nanay ko, nanay na ako.
  52. Nitso —– bahay ng mga patay
  53. Nobya —– gelpren na laking probinsya
  54. Ngalngal — iyak ng walang ipen
  55. Ngisi —– tawang tulo-laway
  56. Ngiti —– tawang labas ipen
  57. Paa ——- bahagi ng katawan na amoy tuta
  58. Paaralan — dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo
  59. Panata —- dasal na nakatataba ng tuhod
  60. Regla —– masungit na panahon ng pagkababae
  61. Sabon —– mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan
  62. Sakristan – utusan ng pari
  63. Sampal —- haplos na nakatitigas ng mukha.
  64. Ta ——– ikli ng ‘tita’ o lalaking may bra
  65. Tamad —– taong hindi napapagod sa pahinga
  66. Tatay —– haligi ng tahanan
  67. Utot——– Dighay na lumabas sa puwit
  68. Ulol ——– sobrang matalino
  69. Wala ——- salitang tagalog na minana ng mga ingles
  70. Yaya ——– alaga ng ama ng inaalagaang bata

* * * * * * * * * * * *

 

euroa-motor-inn-banner1.gif


Entries and comments feeds.