Di ko alam kung ano i-title sa post na ‘to…

August 13, 2007 at 10:46 am | Posted in All, Australia, Blogging, Pensiveness/Rants, Tagalog | 2 Comments

Magtatagalog muna ako. May hang-over pa ako dun sa kwentuhan naming magkakaibigan nung weekend.

Ang bilis ng panahon. Aba, tatlong linggo na pala mula nang huli akong mag post ng entry dito. Di ko na namalayan takbo ng mga araw.

May dumating akong kaibigan mula sa Pinas na pinadala ng employer nya dito for a two-week training. Ayun, dahil first time nyang makarating ng Australia, we played host to her. After office hours, lumalabas kami at nililibot namin sya. On weekends naman, shopping kami for souvenirs. Natuwa ako sa kanya. Kasi mura daw mga bilihin. Ayun, namili ng namili. Ang nangyari, nag excess baggage sya ng mga 20 kilos. Pinagbabayad sya ng AU$500.00. Buti na lang malapit lang sina Janine sa airport. Ayun, iniwan na lang sa luggage storage at pinik-up nila later.

Nakakapagod pala. Di ko rin nagagawa yung weekend sleep-ins ko. Nauuna pa akong gumising sa sirena ng footy sa labas.

After that, birthday ko naman. On the day itself, nag dinner kami sa TGIF sa South Yarra with old time friends and nanood ng Die Hard 4.0. Enjoy naman. Niloloko ko nga si Shane. South Yarra kasi is where we started. When I used to come here on business trips, sa South Yarra ang serviced apartment na tinitirhan ko everytime. Sya naman, tumira din dito with a girlfriend. Sabi ko nga, too many memories and they’re all coming back to me. πŸ™‚

Yung movie, may mga funny lines, especially sa dialogs ni Bruce Willis. Nung nagsimula ang action, tuloy-tuloy na hanggang sa end ng movie. Ok sya dahil hindi ako na-bore. πŸ˜‰

On the weekend of my birthday, me mga friends din akong pumunta sa bahay. Luto ako Pinoy food. Sinigang. Ginataang kalabasa. Lumpiang Shanghai. Pansit sotanghon. At me extrang baked honey soy chicken. Yun kasing asawa ng isang Pinay, e puti, kaya kelangan ng konting pagkain na pwede nyang kainin. Ayaw kasi ng mga puti ng sinigang. Maasim daw at di nila maintindihan ang lasa. Me nagdala ng cake, kya nakalibre si Shane. Di na nya ako kelangang ibili ng cake. πŸ™‚ Kandila na lang. Sabi pa dun sa card na bigay nya, kelangan ko daw TLC for my birthday. Ten Less Candles! Pero yung binili nyang candles, sandosena. Kaya effectively, binigyan nya ako ng Twenty-six Less Candles! Ay, tanda ko na ano?

I hope nabusog at nag enjoy naman sa pagkain ang mga bisita ko. Ako, napagod pero enjoy din naman.

* * * * * * * * * * * *

2 Comments »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. Hey Alma, belated Happy Birthday! And you’re only as old as you feel. πŸ˜‰

    I had an Italian boyfriend years ago, but he actually liked my Mom’s shrimp sinigang. I guess the trick is to balance the sourness and other flavours. Heck, white people like hot and sour soup (Chinese-style) so why not Pinoy sinigang?

  2. Happy belated birthday, Alma! πŸ™‚

    It’s really nice of you to show your friend around. Sometimes I think you have to have a friend overseas for you to be able to enjoy the experience when you go to the country where your friend is. Alam na kasi yung mga magagandang places.

    Yung American boyfriend ng pinsan ko likes menudo. Favorite nga niya. Ewan ko lang sinigang. Pero ultimate food niya kasi ang steak, medium. Tuwing kakain sa labas, laging steak. Pero napapakain naman siya ng Pinoy food, di ko lang sigurado kung nakatikim na siya ng sinigang. πŸ™‚


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: